81st Battle of Bacsil Ridge Commemoration | Brgy. Bacsil, City of San Fernando, La Union

Isinagawa ang makasaysayang pag-alala sa 81st Battle of Bacsil Ridge, tampok ang reenactment ng laban na inihandog ng Louisian Theatre Ensemble. Ibinahagi ni City Councilor Hon. Ramon F. Laudencia ang kasaysayan ng Bacsil Ridge, kasunod ang inspirasyonal na mensahe ni City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto.

Nagkaroon din ng wreath-laying at torch-lighting ceremony, kung saan pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) ang 21-gun salute. Isa pang tampok ng programa ay ang pagsasagawa ng Battle of Bacsil Ridge Mural, sa pangunguna ng DALIKAN La Union Youth Artist Collective, Gameng – La Union Creative Industries Association (LUCIA), at Artist Guild of La Union (AGLAUN), sa tulong ng Union Masonic Lodge No. 17 at Pacific Paints Boysen Philippines.

Nagtapos ang programa sa mensahe ni City Vice Mayor Hon. Pablo C. Ortega at sa pagtatanghal ng Saint Louis College Marching Band.

Nakiisa rin sa pagdiriwang sina City Councilors Hon. Nerissa Joy O. Almazan, Hon. Aldrine R. Jucar, Hon. Leonardo R. Soriano, Jr., at SK Federation President Hon. Kirk Andrew M. Agulan, pati na rin ang mga bisita mula sa Veterans Federation of the Philippines (VFP), Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Isang makasaysayang araw ng pagkilala at pag-alala sa kabayanihan ng mga naglingkod sa ating bayan. 💙