𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang Philippine Councilors League (PCL) La Union Awards and Recognition Day na naganap sa AGORA Hall, Thunderbird Resorts and Casino, City of San Fernando, La Union.

Sa nasabing programa, nagbigay ng mensahe si Hon.Chary Nisce bilang Presidente ng Philippine Councilors League of the Philippines – La Union Chapter at sinundan din ito ng pagbigay ng mensahe ni 1st District Representative Hon.Pablo C. Ortega para sa mga dumalong konsehal ng La Union.
Tumanggap din ng parangal ang mga outgoing at end-termers na konsehal ng Siyudad ng San Fernando sa nasabing programa.
Tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo at pagmamahal para sa San Fernando.
Maraming salamat at saludo kami sa inyong lahat!