Ang mga officers ng Lupon ng mga Indibidwal na Nangangalaga ng Kalikasan (LINK) ay tumanggap ng parangal mula sa Department of Natural Resources Environmental Management Bureau (DENR-EMB).

Buong kagalakang tinanggap ng kasalukuyang presidente ng LINK na si Ms. Camille Agotana ang parangal bilang isa sa mga sampung (10) Finalists sa lahat ng apatnapu’t anim (46) entries sa EMB National Champions on Environmental Management- Game Changer Communities award na naganap noong Septiyembre 2021. Isa ring tumanggap ng parangal ang isang miyembro ng LINK na si Mr. Steven Angelo bilang isa sa mga Top National Environmental Champion ng EMB Youth Icon 2021. Isa sa mga adbokasiya ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang pangangalaga ng kalikasan. Kaya naman, patuloy ang suporta ng SP para sa tagumpay ng mga kabataan at ng kalikasan. Congratulations, LINK! Photo Courtesy: Lupon ng mga Indibidwal na Nangangalaga sa Kalikasan (LINK) #SPSanFernandoLU