CITY ORDINANCE NO. 2021-11 o kilala bilang “Gasoline Subsidy to Fishermen Who Own Motorized Boat Ordinance.”

Ang City Ordinance 2021-11 ay naaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong ika-22 ng Disyembre 2021 upang mabigyan ng taunang anim na libong piso (P6,000.00) halaga na gas subsidy para sa mga Mangingisda ng siyudad na mayroong bangkang de-motor. Ano ang Layunin ng City Ordinance 2021-11? Layunin ng ordinansang ito ang tulungang mapaunlad ang hanapbuhay at kita ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbawas ng kanilang bayarin para sa gasolina. Sino-sino ang mga sakop ng City Ordinance 2021-11? Lahat ng mangingisda na gumagamit o nagmamay-ari ng de-motor na bangka o anumang sasakyang pandagat na nakarehistro sa City Agriculture Office ng City Government of San Fernando, La Union. Ang mga nasabing mangingisda ay makakatanggap ng limang daang piso (P500) bawat buwan sa loob ng isang taon.