Pinangunahan ng Office of the City Vice Mayor (OCVM), kasama si Konsehal Chary Nisce, ang flag raising ceremony ngayong araw, March 14, 2022.

Upang bigyan ng ngiti at karangalan ang mga kababaihan ngayong National Women’s Month, nagsagawa ng munting programa ang OCVM para sa mga babaeng empleyado ng City Government. Kasama sa programa ang pagbibigay ng mensahe ni Mrs. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, LUVWI Chapter President. Hinamon niya ang lahat ng kababaihan na “yung alab na nagnanais na magkaroon ng mas mabuting kinabukasan, dapat manggaling sa atin. We should be open to acknowledge our innate value and to assert our capacities.” “May we never take for granted the contributions of our mothers, sisters, wives and daughters at present times, just as how we do not forget the contributions of our women forebears.” Dagdag ni Mrs. Ortega-David. Nagkaroon ng munting intermission number ang mga LINK dancers. Mayroon ding raffle draw para sa lahat ng babaeng empleyado. Katuwang ang Sangguniang Panlungsod (SP) sa pakikiisa sa pagbibigay pugay sa lahat ng kababaihan. Ang SP ay patuloy na itataguyod ang karapatan at importansiya ng bawat babae sa anumang panahon. #WomensMonth #SPOnTheGo #SPSanFernandoLU