Nagsagawa ng seminar para sa 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment ang Office of the Secretary of Sangguniang Panlungsod

𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍: Nagsagawa ng seminar para sa 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment ang Office of the Secretary of Sangguniang Panlungsod (OSSP) at Department of tbe Interior and Local Government (DILG) para sa mga Sekretarya ng iba’t ibang barangay ng Siyudad ng San Fernando noong April 8, 2022, sa Multi-Purpose Hall ng Barangay Catbangen, City of San Fernando.
Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan ng higit kumulang na 45 na barangay secretaries.
Ang SGLG Assessment ay isinagawa upang hikayatin ang bawat barangay na lalo pang paghusayin ang kanilang serbisyo publiko ng may pananagutan, katapatan, pagganap, at may epektibong paninilbihan para sa ikabubuti ng mga bawat Kasyudadan sa San Fernando.