𝐇𝐨𝐧. 𝐙𝐚𝐥𝐝𝐲 𝐋𝐚𝐮𝐝𝐞𝐧𝐜𝐢𝐚, 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬

Nagsagawa si Hon. Rizalde “Zaldy” Laudencia ng Seminar na pinamagatang “Plain and Simple Language for more Efficient Public Service and Discussion on City Resolution No. 21-010” para sa mga Barangay Secretaries at Sangguniang Kabataan ng siyudad ng San Fernando.
Dito, itinuro ni Hon. Laudencia ang kahalagahan ng tamang paggamit ng mga simpleng salita at wika sa pagsusulat. Ipinaliwanag din niya ang nilalaman ng City Resolution No.21-010 kung saan nakasaad ang mga tuntunin sa mga administrative cases na kaugnay ang mga elected officials ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.
Nagbigay din ng mensahe sina Vice Mayor Alf Ortega at Hon. Chary Nisce para sa mga kalahok ng nasabing seminar.
Lubos na makakatulong ang seminar na ito para mas maipalaganap ang Good Governance na siyang makakatulong sa patuloy na pag-unlad ng Siyudad ng San Fernando.