𝐃𝐎𝐇 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐄𝐑 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐀 𝐒𝐈𝐘𝐔𝐃𝐀𝐃

Nagkaroon ng Special Session ang Sangguniang Panlungsod kahapon, June 20, 2022, upang talakayin at aprubahan ang resolusyon na pangalanan na “San Fernando City Super Health Center” ang ipapatayong Super Health Center ng Department of Health (DOH) sa Siyudad. Ang resolusyon ay kailangan para sa construction permit at accreditation ng ipapatayong gusali.
Layunin ng Super Health Center ang pagtuonan ng pansin ang pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan na lubos na makakatulong sa pag-unlad ng kalusugan ng bawat mamamayan ng Siyudad ng San Fernando.